Zupp Sanctians!!!
It has been a week nung magpost ako ng article d2 sa forum natin…
Hahayz…pero up to now I’m still gathering inspirations to post the final part of the article “Kung Ano ba Talaga Ang nasa Isip ng Isang Mr.DrimBoi”.
Hayz ulit…alm niu bang nagdadalawang isip ako (dae kong isip nuh) na i-post 2ng article na ‘to. But then, since na family na talaga ang turing ko sa clan na ‘to (nakanampucha wu-oh), napagdesisyunan na rin sa mga hurado sa loob ng aking isip at katawan na i-post na nga ang mga nasa isip ko, at dahil din sa aking kagustuhan na lahat ay ibahagi sainiu, magustuhan niu man o hindi, sumang-ayon man kau or ayaw niu, wala akong pakialam dun…basta nabasa niu, tapos…=b…..
Well, pinamagatan ko 2ng “forty (40) days”. This is my real experience in life… a real experience na di ko alam kung makatutulong ba sa iniu o hindi…ipapabasa ko lng…
Ngayon ay ika-20 ng Agosto taong Dalawang-libo’t Siyam^^,
Ngaun ang ika-40days ng aking nanay nung iwan nia ang katawang lupa nia at bumalik na xa sa piling ng Panginoon kung sa’n lahat tau nagmula.
Gan’tong araw din un…Hwebes nung nakaraang buwan ng magseminar kami sa Davao City…tinatanung ako ni RNQ kung sasama dw ba talaga ako sa Davao….sabi ko naman, “opo sasama po ako”. Ndi dahil sa excited akong makasakay ng eroplano, ndi dahil sa sabik akong makatapak sa Davao, kundi dahil sa kagustuhan kong makatulong sa paglaganap ng aming isinusulong na kaalaman…na sana mangyari an gaming mga hangarin para sa bansang ito…lagi kong iniisip na bakit ko kaylangang magpakalubog sa problema ko sa pamilya, kung ang bansa nga natin mas malaki pa ang problema kesa sa’kin ee…
Nakwento ko na ung sa sakit ng nanay ko na cancer…
Nung umalis ako ng bahay upang pumasok sa opisina nung araw ng huwebes,nagpaalam ako sa nanay ko na magseseminar kami sa Davao. Pero dahil sa sakit nya na cancer,at talagang malala na ‘to, ndi ko na xa makausap ng maayos,di ko nga alam kung nakilala pa nya ako nun ee…basta ang alam ko sa tuwing hahalikan ko xa sa noo (na nuon ko lang nagawa at nagccc ako kung bakit ndi ko nagagawa dati) ndi ko mapigilang mapaiyak na lang sa sitwasyon niya, sa sinapit niya…
Lahat nauwisa pagccc.
Pagsisisi na sayang, kung sana nuon ay inayos ko pag-aaral ko sana nakakatulong ako sa kanila, pagsisisi na kung may sapat lang sana akong kaalaman nuon tungkol sa sakit na cancer baka sakaling nabago ko pa ang tadhana, at laking galit sa sarili na bakit d ko nagawang iligtas ang nanay ko sa panahon na kaylangan niya ang tulong, samantalang ako nung dumaan din sa bingit ng kamatayan nagawa niyang iligtas? Bakit?
Napaka-inutil kong anak, napaka-iresponsable, napaka-walang kwentang tao…
Tatlong taon, tatlong taon niyang nilabanan ang sakit na un…sa tatlong taon na un, wala man lang akong nagwa upang iligtas xa….tanging payo, lakas ng loob, taimtim na pagdarasal lang ang mga nagagawa ko…naalala ko pa nun isang gabi, ndi xa makatulog…sabi ko ‘nay, ba’t d ka pa po natutulog?magaalas dos na po ng medaling araw oh…sabi nya, naiinis na ako, para akong kandilang unti-unting nauupos”…..
Para akong kandilang unti-unting nauupos…. Napakasakit marinig para sa anak ang gan2 mula sa ina…ina na nag-aruga sau ng mahabang panahon, ina na nagdala sau sa sinapupunan ng siyam nab wan..ina na nagsasakripisyo para mairaos ang kaligayahan ng pamilya….napakasakit…sobra…!!
Napapaiyak talaga ako sa tuwing sumasagi sa ‘king alaala ung mga panahon na and2 pa xa, kasama naming, Masaya, matiwasay, mapayapa na namumuhay.
Nung andun na kami sa Davao…nagging maayos naman ang takbo ng bawat araw…nung sabado ng gabi, nag-iinum kami ng technician naming na si kuya Neil sa kwarto…takteng yan…cnu ba naman ndi tatamaan sa ininum namin….ikaw ba naman uminum ng Gin yelo ewan ko na lang kung ndi tumayo pati balahibo mu sa ilong….kasuklam suklam ang lasa >.<, pero dahil sa anlamig sa loob ng kwarto, cge rikki boi…banat!!!!!....aun at mga lima o anim na tagay lang ata ako…sabi ko, kuya Neil CR lang ako ah…pagdating sa CR…nagipon ako ng tubig sa bath tub….(ung maligamgam)..tpos nagbabad ako…nagtataka ako bat ako giniginaw e may kainitan nmn ung tubig….tpos naalala ko ung ctwasyon ni nanay…walang tigil ako sa pag-iyak ng gabing un…pero inicp ko…ok lang yan..bukas pag-uwi naming…makakasama ko na uli xa=)…kaya naligo n lng ako at pagkatpos e natulog na nung matuyo buhok ko….
Kinabukasan, linggo - June 12, 2009, huling seminar na naming, mga dalawang oras lang ang tinagal dahil para sa mga empleyado lang naman un ng tesda sa davao ee..
Mga bandang ala-una pasado ng hapon nag-ring ang cellphone ko…
Tumatawag ang ate Elena ko…sabi ko xmpre…Hello? Ang bungad na tanung nya kung anung oras dw ako uuwi???sabi ko mamaya mga alas-dose ng gabi anjan nako..sabay tnanung ko kung bakit…humihikbi xang nagsalita ng mga kataga na kahit kelan ndi ko malilimutan….
“Si Nanay, wala na xa"…..ilang segundong katahimikan mula sakin…biglang tumulo ang luha ko….at kasunod ang tanung na “ha? Kelan? Kanina lang?” sabay sabing sige sige…maya uwi nko…
pagkapindot ko ng End Call…umagos na ang kalungkutan sa buo kong katawan….’yung iyak nang tatlong taong pinipigil…tatlong taon na agkikimkim…sa isang tawag lang e parang mitsa ng bomba na nasindihan at sumabog sa puso ko…..habang nasa sasakyan…nagdasal kami sa pangunguna ni RNQ…dasal na pasasalamat at tpos na ang kalbaryo ni nanay d2 sa mundo…pasasalamat na pahinga na sya sa piling ng Panginoon…pagbaba naming ng sasakyan…agad akong niyakap ni RNQ….ang sarap ng yakap na un…yakap na nagsasabi na rikki…ok na ang lahat…tapos na ang pakikipaglaban ng nanay mo…pahinga na xa….sabay bulong sakin na…iiyak mu na ang lahat rikki…iiyak mu na…at parang batang paslit ako na humagulgol ng pagtangis…pakiramdam ko niyakap ako ng Panginoon ng mga sandaling ‘yun…Salamat…
buong araw akong tulala…ang tanging nasa isip ko lang ng mga sandaling iyon eh kelangan kong umuwi ng bahay…..kelngan kong umuwi…kelangan!!!!!
Paglapag ng eroplano naming mula sa paliparan ng Davao patungo d2 sa Maynila….sinabi ko kagad sa mga kasama ko na magtataxi n lng po ako…ndi ko na mahihintay pa ang aming sundo….pagdating ko sa life homes…sabi ko sa sarili ko…rikki…anjan nay an…yan na ung lagi mung na-iimagine dati pa…na uuwi ka isang gabi na ang dadatnan mu e may tolda na sa kalye nyo at maraming tao…eto na sabi ko, kaya nung pagbaba ko ng tricycle, nagtinginan na ang mga tambay samin…nakayuko lang ako…nakayuko habang pinipigil ang luha na alam kong kahit anung oras ay tutulo….pagpasok ko n gaming tahanan, agad bumungad sakin ang ataol…ataol na naglalaman ng katawang tao ng aking nanay…alam kong ndi na un ang nanay ko pero un ung katawan na ginamit nya upang makasama kaming lahat….binagsak ko lahat ng aking mga bagahe na para bang pagod na pagod ako….at sabay sa pagsilip ko, ang pagtulo ng aking luha….hagulgol na pag-iyak habang pinipigilan ako ng tatay ko na matuluan ang salamin ng kanyang kabaong….pinigilan ko na rin ang sarili ko…at inayos na ang mga dala-dala ko…
Ngayon, ang nangingibabaw sakin e troma…troma nab aka maulit ang mga pangyayari…subalit sabi nga ni RNQ…ayusin mu isip mu….dahil kung anu ang tumatakbo sa isip mu ng madalas, un ang mangyayari….
Sa susunod na article ko na lang idedetalye pa ng lahat tungkol saking nanay dahil ngaun e paalis na kami….
Ngayon ang ika-40 days ni nanay, ngaun din kami aalis…ako lang ang wala sa bahay ngaun…lahat ng mga kapamilya ko andun…ako lang ang wala…tulad nung araw na lisanin ni nana yang katawang tao nya…ako lang ang wala…lahat sila ay nandun….LAHAT SILA at AKO LANG ANG WALA….
So panu po mga co-sanctians?....linggo na po balik namin d2 sa manila…gs2 q sana magplvl kc excited nko sa bago kong armor na crafted ni kayuzavee ee…pero kelangan magtrabaho…hakhakz…. See u in game mga kapwa ko Anak ng Diyos….
Maraming Salamat talaga sa iniu….sa lahat ng mga miyembro at opisyales natin^-^
***Long Live Sanctius***
-Mr.DrimBoi-